Isabela PPO, Nasungkit ang ilang Major Awards sa Search for PRO2 Transformation Champions

Cauayan City, Isabela- Nasungkit ng Isabela Police Provincial Office ang anim (6) na major awards sa katatapos na “SEARCH FOR PRO2 TRANSFORMATION CHAMPIONS” na isinagawa sa Police Regional Office 2 Grandstand, Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City noong July 4, 2022.

Kabilang sa mga parangal na kanilang natanggap ang Best PAGPTD and Best Provincial Technical Working Group na hinakot ng Isabela PPO, Best Municipal Advisory Group, Best Municipal TWG and Best Municipal PSMT ang natanggap naman ng Roxas Police Station habang Best City PSMT ang iginawad sa Cauayan City Police Station.

Dagdag pa dito, ang Isabela PPO ay isa sa mga finalist sa ilan pang mga parangal gaya ng Best Provincial PSMU Category, Best Company Advisory Group Category (1st IPMFC), Best City Advisory Group Category (Cauayan CPS).

Pinuri naman ni Acting PD Col. Julio Go ang effort ng mga kapulisan para sa kanilang naging kontribusyon sa pagpapatupad ng mga programa bilang suporta sa PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030.

Facebook Comments