Pulis, Binaril-Patay sa Cabagan, Isabela

Cauayan City, Isabela- Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa nangyaring pagbaril-patay sa isang pulis dakong alas-8:30 kaninang umaga, July 7, 2022 sa Bypass Road in Brgy. Ugad, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si PCpl. Marnix Baquiran, nasa hustong edad, kasapi ng PNP Reina Mercedez at residente ng Brgy. Kamasi, PeƱablanca, Cagayan.

Sa inisyal na report ng pulisya, isang concern citizen ang ipinagbigay-alam sa kanila na isang insidente ng pamamaril ang naganap na kaagad naman nilang nirespondehan.

Tumambad sa kanila ang isang kulay silver na Toyota Fortuner na may plakang BBZ 3250 na tadtad ng bala ng baril sakay ang wala nang buhay na biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibaā€™t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang PNP sa posibleng nakakita sa krimen para sa ikalulutas ng kaso.

Facebook Comments