Isabela PPO, Tinanghal Bilang Outstanding Police Provincial Office ng PRO2

39

Cauayan City, Isabela- Kinilala ng Police Regional Office 2 bilang Outstanding Police Provincial Office of the Year ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) na pinamumunuan ni PCol James Cipriano kasabay ng isinagawang 26th Police Community Relations Month culminating ceremony.

Tinanghal bilang Outstanding City Police Station ang PNP Ilagan habang iginawad sa PNP Allacapan ang Outstanding Municipal Police Station.


Bukod dito, binigyan rin ng Plaque of Recognition si Regional Director PBGen. Steve Ludan sa pagpapatuloy sa implementasyon ng “PRO2 Lingkod Bayanihan BARANGAYanihan Project Pabahay.”

Pinarangalan din bilang Outstanding Senior Police Commissioned Officer of the Year si Regional Police Strategy Management Division Chief PCol. Ariel Quilang, at Quirino PS COP PCapt. Rufo Figarola, Jr. bilang Outstanding Junior Police Commissioned Officer of the Year.

Nakuha naman ni PMSgt. Rogin Corpuz ng PNP Allacapan ang Outstanding Senior PNCO of the Year sa regional at national level; Outstanding Junior PNCO of the Year naman si PSSgt. Marlyn Banan ng PNP Enrile; at ang NUP ng PNP Alcala na si Nympha Cagurangan bilang Outstanding Non-Uniformed Personnel of the Year.

Facebook Comments