ISABELA PROVINCE, BIRD FLU-FREE PA RIN AYON SA BAI REGION 2

Cauayan City, Isabela-Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) Region 02 na nananatiling Bird Flu Free ang lalawigan ng Isabela.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng Avian Influenza (AI) H5N1 outbreak sa mga probinsya ng Pampanga, Bulacan, Camarines Sur, Laguna, at Nueva Vizcaya.

Paglilinaw ni BAI Region 02 Veterinary Quarantine Officer Dr. Benjamin Ike P. Paguyu na wala pang kaso ng bird flu sa lalawigan matapos nitong kumpirmahin sa ginanap na Avian Influenza Awareness Seminar na pinangunahan ng Provincial Government of Isabela sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian.

Iginiit naman ni Regional Technical Director for Operations Dr. Roberto R. Busania, maging mapagbantay at magtulungan upang mapanatili ang productivity ng mga raisers para maiwasan ang mga nauna ng nangyari sa swine industry.

Sa kabilang banda, sinabi ni DA-R02 Veterinarian III Dr. Manuel Galang na maliban sa food security,isa sa mga pangunahing banta sa kalusugan ng tao kung saan nasa 56% ang fatality rate kapag tumama ang sakit na ito sa tao.

Hinimok naman ni Provincial Veterinarian Dr. Belina N. Barboza ang lahat ng stakeholders na tiyaking maprotektahan ang poultry industry gayundin ang kalusugan ng publiko.

Facebook Comments