Cauayan City, Isabela- Pinarangalan ang Isabela State University (ISU) Echague Main Campus matapos kilalanin sa pagiging “Proficiency in Quality Management” sa katatapos na 24th Philippine Quality Award (PQA) Assessment Cycle.
Ang Philippine Quality Award (PQA) ay ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob sa mga government at private organizations bilang pagkilala sa kanilang kahusayan.
Batay sa ibinahaging impormasyon ng Isabela State University, ang ISU pa lamang ang kauna-unahang State Universities and Colleges (SUC) sa buong rehiyon dos ang naitanghal bilang PQA awardee.
Nakuha ng ISU ang nasabing parangal matapos makakuha ng mataas na puntos sa mga criteria ng PQA na kinabibilangan ng leadership; strategic planning; customer focus; measurement, analysis, knowledge management; workforce focus; process management; at results.
Isinagawa ang pagkilala matapos ang pag-apruba sa endorsement ng Malacañang noong ika-13 ng Enero taong kasalukuyan.
Facebook Comments