ISABELA, TUMANGGAP NG $200K DONASYON MULA SA TAIWAN

Nagbigay ng $200,000 na donasyon ang Taiwan sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela para sa reconstruction efforts ng probinsya sa mga nasirang imprastraktura dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng noong nakaraang buwan.

Personal na inabot ni Manila Economic and Culture Office (MECO) Chairman at Resident Representative Silvestre H. “Bebot” Bello III, kasama sina Taiwan representatives to the Philippines Eric Lim at Obayashi Oshimune ang tseke kay Governor Rodito Albano III sa isang seremonya na ginanap sa Balai, Capitol Compound, Alibagu, City of Ilagan, Isabela noong Nobyembre 19, 2022.

Kaparehas na halaga ng tseke rin ang ibinigay kay Cagayan Governor Manuel Mamba dahil sa matinding epekto ng nagdaang bagyo sa lalawigan.

Kaugnay nito, ipinahayag din ng gobernador ang kanyang pasasalamat kay MECO Chairman Bello para sa tulong na natanggap.

Ang tulong ay dahil na rin sa mahigpit na pakikipag-ugnayan ng MECO sa bansang Taiwan.

Kabilang pa sa tinututukan ng naturang ugnayan ang agrikultura, edukasyon, turismo, at ang pagpapalakas pa sa bilateral cooperation and partnership na inaasahang magpapabuti sa kapakanan ng mga mamamayan ng bansang Taiwan at Pilipinas.

Facebook Comments