Ang mga tulong na ibinigay ng naturang ahensya sa mga benepisyaryo ay naglalaman ng portasol dryer, wooden fermentation box, probe thermometer, refractometer, at UV plastic.
Malugod naman itong tinanggap ng SA Cacao Food Products, Angadanan Forest Region Agrarian Reform Cooperative, ARB Crop Growers Association, Ganabi Torogi Onacoli Inc., Isabela Cacao and Coffee Farmers Association, Jones Cacao Producers Association, Nicolas Integrated Farm, Viloria’s Mini Farm at Padaca’s Integrated Farm.
Ang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan ay gantimpala sa mga MSMEs sa kanilang partisipasyon at pagiging aktibo sa mga nagdaang Webinar.
Samantala, bumisita naman si Ginang Mary Rose Dumpit sa mga awardees’ cacao processing facilities upang talakayin ang mga nakaplanong aksyon at interbensiyon na isasagawa ngayong taon upang mapalawak at maisulong ang industriya ng cacao sa Lalawigan.