*Cauayan City, Isabela*- Pinag-aaralan ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela kung paano mabibigyan ang ilang residente ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program gayong limitado lang ang maaayudahan nito.
Ayon kay Governor Rodito Albano III, pipiliting paghati-hatian upang mabigyan ang mga residente na hindi mapapabilang sa social amelioration ng pamahalaan.
Hinalimbawa pa ng Gobernador na ang Department of Social Welfare and Development ang siyang nagdetermine sa mga mabibigyan ng ayuda kaya’t nagsagawa ng pagpupulong ang lahat ng alcalde sa probinsya.
Sa kabila nito ay ipinag utos ni Senator Bong Go na magpalabas ng Internal Revenue Allotment (IRA) o pondo ng isang LGU sa loob lamang ng isag buwan na siyang pandagdag sakaling kulangin ang ponding maipagkakaloob sa mga tao.
Naniniwala naman si Governor Albano na tinatayang nasa 95 percent ang mga pamilyang may kaya sa buhay.
Samantala, nagpalabas na rin ng calamity fund ang Isabela na siyang gagamitin bilang dagdag ayuda sa publiko bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.