Talk of the town ngayon ang aktres na si Isabelle Daza matapos siyang gumawa ng kontrata para sa kaniyang mga household helpers.
Nabatid na ikinatuwa ng mga netizens ang ginawang kontrata ni Isabelle dahil naka-detalye dito ang dapat lang gawin ng kaniyang mga kasambahay at kasama pa dito ang oras ng kanilang break, sick leaves at day-off.
Sasagutin din ng aktres ang mga basic necessities ng kaniyang mga kasambahay tulad na lamang ng sabon, shampoo, toothpaste, tooth brush at iba pa.
Huhulugan din ni Isabelle ang kanilang SSS, Pag-IBIG at PhilHealth para magkaroon din sila ng benefits.
Say ng aktres, ginawa niya ang kontrata para magkaroon ng kasiguraduhan ang kaniyang mga kasambahay upang malaman din daw ng ibang amo kung ano ang nararapat na ibigay sa kanilang mga nakakatulong sa bahay.