Isabelo Adviento ng ANAKPAWIS Region II, Iginiit na Hindi sila ‘Supporters’ ng mga NPA!

*Cauayan City, Isabela- *Iginiit ni ginoong Isabelo Adviento bilang Regional Director ng ANAKPAWIS Region II na HINDI umano sila ‘supporters’ ng mga New People’s Army na umano’y haka-haka ng AFP at PNP.

Ito ang kanyang kinumpirma sa naging panayam ng RMN Cauayan kaninang umaga kung saan ay lihitimo lamang umano ang kanilang mga ipinaglalaban para sa mga mahihirap.

Aniya, Ipinaglalaban lamang umano nila ang interes ng nakakarami, ipagtanggol ang mga pinagsasamantalahan at inaaping mamamayan dahil kung hindi umano nila ipaglalaban ang kanilang mga karapatan ay mas lalo pa umano silang maghihirap.


Halimbawa na lamang umano ng kanilang samang-samang ipinaglalaban ay ang mabagal na pamimigay ng ayuda ng pamahalaan para sa lahat ng mga nangangailangan at mga biktima ng kalamidad maging sa tunay na reporma sa lupa.

Kanila rin lamang umanong inilalapit sa pamahalaan sa pamamagitan lamang ng kanilang pagsasama-sama ang kanilang mga natatanggap na reklamo hinggil sa hindi maayos at hindi umano pantay na pagtrato ng mga pulitiko sa pamimigay ng mga ayuda .

Facebook Comments