NBA | Warriors lusot sa Jazz; Grizzlies, Pelicans at Bucks tinambakan ang mga kalaban

Uminit si Stephen Curry sa final half para lusutan ng defending champion Golden State Warriors ang Utah Jazz, 124-123 sa Salt Lake City.

Lamang ang Jazz, 81-69, sa pagsisimula ng third quarter nang uminit si Curry matapos pumutok ang labi nito dahil sa siko ng kalaban.

Dahil dito nagbagsak ng 16 points si Curry para maidikit ang laro sa Jazz.


Pinangunahan ni Kevin Durant ang Warriors sa kaniyang 38 points habang nag-ambag naman ng 31 si Curry.

Samantala, pinakain ng alikabok ng Memphis, New Orleans at ng Milwaukee ang kani-kanilang mga kalaban para maitala rin ang mga panalo.

Tinambakan kasi ng Grizzlies ang Atlanta Hawks, 131-117 samantalang hindi pinaporma ng Pelicans ang Sacramento Kings, 149-129.

Wagi rin ang Bucks laban naman sa Indiana Pacers, 109-96.

Facebook Comments