Isang 18 anyos na computer technology student, arestado sa pangingikil

162

Cabanatuan City, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang 18-anyos na computer technology student dahil sa pangingikil sa Cabanatuan City.

Ayon sa PNP-ACG, na-hack ng suspek na si Ronald Ecaro ang facebook ng isang babaeng biktima at na-access ang mga pribadong video at retrato ng dalagita.


Pinagbantaan ng suspek ang biktima na ipapakalat sa social media iyon kung hindi magbabayad ang babae.

Nagpadala raw ng 20,000 pesos ang dalagita sa suspek sa pamamagitan ng money transfer.

Nakipag-ugnayan ang pulisya sa money transfer para ma-trace ang kinaroroonan ng suspek.

Batay sa imbestigasyon, modus ng suspek na alamin ang cellphone number ng may-ari ng facebook account, saka niya ire-reset at babaguhin ang password nito.
Lumalabas na walo na pala ang naging biktima ni Ecaro.




Kakasuhan siya ng robbery with violence and intimidation, paglabag sa anti-photo and video voyeurism act of 2009 at e-commerce act of 2000.
DZXL558

Facebook Comments