Sigang pusher at suspek sa pagpatay sa isang miyembro ng sputnik, arestado sa Tondo Maynila

57

Manila, Philippines – Tinutugis ngayon ang isang lalaki na kilala umano bilang sigang drug pusher at user sa kanilang lugar, dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa “sputnik” gang member sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Sa report ng pamunuan ng Manila Police District (MPD)-Station 1, posible umanong si Rolando Villanueva, alyas “nognog”, nasa hustong gulang, ng 015 Magsaysay Street, ang pumatay kay King James Nino, 24, ng Carlos P. Garcia St.
Napag-alaman na binaril umano ni Villanueva si Nino sa Sampaloc St., Corner Magsaysay St., dakong 4:45 ng madaling araw.

Sa salaysay ng ilang testigong hindi pinangalanan, bago ang pamamaril ay kinumpronta umano ng suspek ang biktima dahil sa pagkabigo nitong i-remit ang perang kinita sa ilegal na droga hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo at pamamaril.
DZXL558

Facebook Comments