Isang 19-anyos na dalaga, nagkatrabaho sa tulong ng DZXL Radyo Trabaho

Hindi tumigil hanggang sa matanggap sa trabaho ang 19-anyos na si Noemi Mintino ng Bagong Silang, Caloocan City at pang-sampu sa na-hire ngayong 2019 ng DZXL Radyo Trabaho.

 

Kuwento ni Noemi, bilang panganay sa apat na magkakapatid, naisip niyang magtrabaho para makatulong sa kanyang mga magulang.

 

Inimbitahan siyang mag-apply sa DZXL ng kanyang kapitbahay na si Jean Dante na unang nabigyan ng trabaho ng DZXL Radyo Trabaho.


 

Hindi naman siya nagdalawang-isip at agad siyang nagpunta sa DZXL. Kahit makailang beses na na-reject ,nagbunga rin ang kanyang pagsisikap nang matanggap na sales promoter sa BLE Manpower.

 

Ayon kay Noemi, pagbubutihan niya ang kanyang pagta-trabaho na ibinigay sa kanya ng DZXL RT Team. Ang payo niya sa mga naghahanap ng trabaho — huwag mawawalan ng pag-asa.

 

Samantala, sa mga gusto ring magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

 

Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o biodata sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming RT Hotline – 882 2370 o magpadala ng mesahe sa RT Textline 0967-372-9017… Sa DZXL Radyo Trabaho, trabaho lang walang personalan!

 

#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS#XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS

Facebook Comments