TINGNAN: LGBT comfort room sa Alimodian Central School

160
Courtesy Facebook/Nikky Alumia Salvilla

Itinuturing na mabigat at sensitibo ang usaping same-sex relationship. Samu’t-saring saloobin ang inilalabas ng publiko kung dapat bang gawing legal na rin ito sa bansa.

Pero para sa ilang mga kababayan, hindi nila ikinakahiya ang pagsuporta sa Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender (LGBT) community.


Sa bayan ng Alimodian, Iloilo Province, makikita ang palikuran na eksklusibong magagamit ng isang LGBT. Nakasulat sa dingding ang mga salitang “LGBT/Mayor Calay.” Kilalang advocate at aminadong bading si Mayor Gefree ‘Calay’ Alonsabe.

Ibinahagi ni Nikky Alumia Salvilla ang litrato ng comfort room ng Alimodian Central School.

 

#BrigadaEskwela2019 #AlimodianCES #LGBTQ #GAYs #rainbowPeopleAlone we can do so little TOGETHER we can do so much…”, maikli at makahulugang mensahe ni Salvilla sa kanyang Facebook post.

 

 

 

Facebook Comments

From Advertisers