Isang 22-anyos na babae sa Mexico, nanalo sa ultramarathon nang nakasuot na palda at sandals

Manila, Philippines – Isang 22-anyos na babae ang hinahangaan ngayon matapos mag-kampeon sa isang ultra marathon ng nakasuot lamang ng palda at sandals na gawa sa recycled na gulong.

Si Maria Lorena Ramirez, isang native ng raramuri na sumali sa Cerro Rojo ultramarathon sa Puebla na may dala lamang bottled water at panyo kung saan tinalo nito ang nasa 500 kalahok mula sa labing dalawang bansa na sumali sa 50 km race.

Napag-laman na ang lahi pala ni Maria Lorena ay isa sa mga kinukunsidera na fastest long distance runner sa kanilang lugar kaya’t natapos niya ang marathon sa loob lamang ng pitong oras at tatlong minuto.


Noong nakaraang taon, napahanga ni Maria Lorena ang kaniyang mga kababayan nang masungkit ang ikalawang pwesto sa ginanap na 100-kilometer category ng caballo blanco ultramarathon sa Chihuahua.

Dahil sa kaniyang pag-panalo ngayong taon, makukuha ni Maria Lorena ang 6,000 mexican pesos (P16,175.00) na cash prize.
DZXL558

Facebook Comments