Coach Freddie Roach, gustong ma-knockout ni Manny Pacquiao ang makakalabang Australian boxer

Manila, Philippines – Target ngayon ni Coach Freddie Roach na ma-knockout ng pambasang kamao na si Manny Pacquiao ang Australian boxer na si Jeff Horn na kaniyang makakalaban sa susunod na buwan.

Ayon kay Roach, mukhang nangalawang ang kaniyang alaga noong huling laban nito kay Jessie Vargas noong 2016 kaya’t hindi niya ito napabagsak.

Dagdag pa ni Roach, nakitaan niya ngayon ng improvement si Pacquiao kaya’t gusto niya na pabaksakin agad nito si Horn kapag nagkaharap na sila.


Maging si Pacquiao ay inaming nagkakaron na din siya ng improvement at hangad din daw nitong manalo kung saan pipilitin din niyang ma-knockout ang kalaban.

Aakyat naman sa walong round ang susunod na sparring session ni Pacquiao at nais din ni Roach na mas maraming combination ang ipakita ng pambansang kamao sa isinasagawa nilang training.

DZXL558

Facebook Comments