Isang 29 taong gulang nalunod at namatay sa karagatan ng Brgy. Ipil, Surigao City

Isang 29 taong gulang nalunod at namatay sa karagatan ng Brgy. Ipil, Surigao City Kinilala ang biktima na si Junerie Bawang Espera. 29 taong gulang, binata at isang laborer. Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, alas 10:30 ng umaga kanina ang biktima kasama ang 3 lalaki ang unang nag-inuman sa isang tindahan, pagdating ng alas 11:00 naligo ang mga ito sa dagat, ang sabi ng mga kasamahan, si Espera ang sumisid sa ilalim ng dagat at makalipas ang 5 minuto ang hindi pa umaahon, kaya hinanap na nila. Nakita ito at dinala pa sa may baybayin, isang seaman rin ang tumulong sa pag-CPR ngunit wala na itong pulso at bumubula na ang bibig. Dinala pa ito sa Caraga Regional Hospital ngunit idineklarang Dead on Arrival.

Facebook Comments