Isang 30 years old na nanay, ma-swerteng napili sa sa “Tawag ng Tulong” ng Serbisyong XL ng RMN DZXL Manila

Manila, Philippines – Isang 30 years old na nanay na dating barangay tanod sa kanilang lugar ang bibigyang puhunan ng Serbisyong XL matapos mapili sa “Tawag ng Tulong”.

Si Luzviminda Roxas ng Brgy. 553 Sampaloc, Manila ang problemado ngayon dahil sa may sakit ang nag-iisang nilang anak na lalaki at wala silang budget para pambili ng mga gamot nito.

Taong 2007 pa ng magkaroon ng karamdaman ang kanilang anak habang pitong taong gulang pa lamang ito kaya’t nagkaroon ito ng bacteria sa utak.


Hindi kaya nang kaniyang mister na ipagamot ang kanilang anak dahil sa konti lang ang kinikita nito sa pangangalakal kaya’t humihingi na lamang ito ng tulong sa iba at maging ang pagkian ay inaasa na din nila sa kani-kanilang kamag-anak

Hangad ngayon ni Luzviminda na magtinda para mayroong makuha pang-gastos araw-araw at pambili na din ng gamot ng kanilang anak na lubos naman nitong ipinagpasalamat.

* DZXL558*

Facebook Comments