Aabot sa 20 milyong pesos na halaga ng alahas, ninakaw at isinanla ng isang kasambahay sa Quezon City

Manila, Philippines – Aabot sa 20 milyong pesos ng halaga ng alahas ng kanyang amo ang ninakaw at isinanla ng isang kasa mbahay sa Quezon City.

Sa ulat, inireklamo ng mag-asawang Asis ang kanilang katulong na si Rubilita Delos Santos na nagnakaw at nagsanla ng kanilang alahas na mahigit tatlumpung piraso.

Sinasabing matagal na nilang kasama ang suspek kung saan nagsimulang mawala ang mga mamahaling alahas noong taong 2014.


Inaaresto din ng pulisya ang mga tauhan ng pawnshop sa Farmer’s Market sa Cubao dahil pinayagan nilang magsanla ang kasambahay kahit na walang kaukulang dokumento.

Todo hingi naman ng patawad ang katulong maging ang mga empleyado ng pawnshop at gumagawa pa ng dahilan para makalusot sa kaso pero hindi ito umubra sa mga pulis.

DZXL558

Facebook Comments