Bumagsak ang isang Tecnam P-2010 aircraft na may registry number RP-C8230 sa Barangay Urayong Bayan sa Bauang, La Union ngayon ayon sa initial report mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Operations and Rescue Coordination Center (ORCC).
Ang aircraft ay lulan ng 25 anyos na student pilot mula First Aviation Academy (FAA) sa Subic Bay International Airport na nagsasagawa ng solo cross-country flight.
Ayon sa flight plan na nakuha ng paaralan, ang orihinal na lipad mula Iba Airport sa probinsiya ng Zambales, ang ruta patungong La Union Airport at Lingayen Airport, at babalik sa Iba Airport.
Kaninang alas-2:00 ng hapon ay natungo sa lugar sina Investigators Ranier Allan Ronda at Harry Paradero mula sa CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board upang tumulong para malaman kung ano ang sanhi ng naturang insidente.
Nasawi naman ang student pilot na sakay ng helikopter.