Nakapagtala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng sunod-sunod na aksidente dahil sa bagong lagay na concrete barriers sa EDSA para sa mga bus.
Sa datos ng MMDA simula June 1 hanggang 19, 2020, isang aksidente kada araw ang naitatala.
Ayon kay MMDA Traffic Head for EDSA Bong Nebrija, inirereklamo na ng mga motorista ang concrete barriers.
Pero aniya, may nakalagay namang hazard markers para maging gabay ng mga motorista.
Karamihan din sa mga naaksidenteng motorista ay nakainom, nagse-cellphone o kaya ay overspeeding.
Facebook Comments