
Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla na mayroon umanong isang aktibong heneral ng Philippine National Police (PNP) ang nasasangkot din sa isyu ng kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Remulla, ang nabanggit na opisyal ng Philippine National Police ay siyang tumulong sa mga suspek sa pagkawala ng mga sabungero.
Aniya, itinalaga pa raw ito bilang Regional Director kung saan hindi naman nararapat ang pagkakalagay nito sa puwesto.
Kaniyang ibinahagi na sa pagkakalipat ng heneral na ngayo’y regional director na, ay sinama pa nito ang mga suspek bilang kabahagi ng kanyang opisina.
Sa kabila nito, hindi muna isiniwalat ni Remulla ang pangalan ng naturang heneral.
Facebook Comments









