Isang Amasona sa Cagayan, Sumuko

Masin, Alcala, Cagayan – Isang amasona ang sumuko sa pamahalaan at tinalikuran ang pagiging komunista matapos ang matagumpay na negosasyon ng Naval Intelligence Support Unit-12, Naval Intelligence Security Group at Military Intelligence Company.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 DWKD RMN Cauayan News Team, ang babaeng kasapi ng New People’s Army na umayaw na sa pakikipaglaban sa gobyerno ay nakilalang si Belly Joy Mabanag Malazzab alyas Ka Bibeth, 29 anyos at tubong Sta Clara, Sta Ana, Cagayan.

Malugod na tinanggap ng 17th Infantry Battalion, 502nd Brigade ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa pamamagitan ng Commanding Officer nito na si Ltc Camilo A Saddam, PA ang naturang pagsuko.


Sa naging pahayag ni Ltc Saddam, kanyang hinikayat ang iba pang kasapi ng NPA na nagsasawa na sa pakikibaka na umanoy biktima ng maling ideolohiya na bumalik na sa ilalim ng batas at namnamin ang pakikihalubilo sa kani kanilang pamilya.

Ang naturang amasona ay nasa pangangalaga ngayon ng 17th Infantry Battalion at inihahanda na ang mga kaukulang proseso para sa kanyang pagbabalik loob sa gobyerno.

Facebook Comments