Pangulong Duterte, maglalabas ng kautusan para ipatanggal ang kanyang larawan sa tanggapan ng pamahalaan, paaralan at iba pang government institution

Manila, Philippines – Ipinatatanggal na ni Pangulong Duterte ang kanyang larawan sa mga tanggapan ng pamahalaan, paaralan at iba pang government institution.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi siya sanay sa mga ganitong istilo kaya’t gagawa siya ng isang presidential decree kung saan halip na larawan ang i-display ay larawan ng mga bayani ang ipalit sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno.

Sabi ng pangulo ginawa na niya ito sa Davao City kaya’t dapat ding ipatupad sa bansa.


Anya, kahit ang mga larawan ng mga naging pangulo na naka-display sa malakanyang ay pinatanggal din ni Duterte dahil ilan sa mga ito ay sangkot sa mga katiwalian at may bahid ang pagkatao at hindi dapat ituring na “honorable.”

Facebook Comments