Isang araw bago ang pagbubukas ng klase, bilang ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong araw, pumalo na sa higit 85,000

Pumalo na sa 85,433 ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa ngayong araw, isang araw bago ang muling pagbubukas ng klase.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot sa 46,394 dito ang outbound passengers at nasa 39,039 naman ang inbound passengers.

Para manatiling ligtas ang biyahe, nagtalaga ang PCG ng 2,692 na tauhan sa 15 distrito nito.


Ininspeksyon din ng coast guard ang 414 na barko at 445 na motorbanca bago bumiyahe.

Mananatili ang heightened alert ng coast guard hanggang September 1, 2023 para sa inaasahang pagdagsa ng pasahero sa pagbabalik ng klase.

Facebook Comments