Isang Army Captain at isang Corporal, arestado matapos masangkot sa gun-running activities sa Zamboanga Sibugay

Huli sa entrapment operation ng mga pulis ang isang Army Captain at isang Corporal matapos maaktuhang nasasangkot sa gun-running activities sa Zamboanga Sibugay.

Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Office-in-Charge (OIC) Lieutenant General Guillermo Eleazar ang Army Captain na si Christopher Galvez Eslava, 41-anyos, residente ng Brgy. Cabilao, Makilala, North Cotabato at Corporal Ryan Laure Larot, 35-anyos, residente ng Purok Gemelina, Brgy Banali, Pagadian City, Zamboanga Del Sur.

Sila ay parehong tauhan ng Regional Community Defense Group-9, Army Reserve Command (ARESCOM).


Nakuha sa mga suspek na sundalo sa ikinasang entrapment operation ang ilang baril, bala, pampasabog at 1.2 milyong pisong boodle money.

Sa ngayon, nakikipag ugnayan na ang PNP sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi naman ni Eleazar na ang pagkakahuli sa dalawang sundalo ay patunay na kahit mapa sibilyan o law enforcers man at walang lugar para magsagawa ng iligal na aktibidad.

Facebook Comments