Sinibak na Intelligence Chief ng AFP at Civil Military Operations Chief, pinababalik sa pwesto ni Defense Secretary Lorenzana

Iniutos ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na ibalik sa pwesto ang tinanggal na Intelligence chief ng AFP na si Major General Alex Luna at Civil Military Operations (CMO) J7 Chief Major Benedict Arevalo.

Ayon kay Lorenzana, na-review niya ang kaso ng dalawa mula sa mga report na isinumite sa kanya at naniniwala siya na ang dalawa ay walang direktang kasalanan sa pagsasapubliko ng mga unverified at unofficial list ng University of the Philippines (UP) students na iniuugnay sa mga left-learning groups.

Paliwanang ng kalihim, hindi niya direktang inaalisan ng liability ang dalawa sa isyu, lalo’t una na silang natanggal sa pwesto dahil sa command responsibility, pero kung titingnan aniya ang track records ng dalawa makikita na maayos ang kanilang pagtupad sa kanilang mga trabaho.


Naniniwala ang kalihim sa second chances, lalo na kung nadamay lamang aniya ang dalawa sa pagkukulang at pagkakamali ng iba.

Facebook Comments