Isang army officer na hinihinalang mayroong COVID-19, patay matapos atakehin sa puso

1355

Nasawi ang isang army officer na hinihinalang mayroong COVID-19 matapos atakehin sa puso sa Bulacan.

Kinilala ang nasawi na si 2nd Lt. Vince Magbanua na miyembro ng 7th Infantry Division at nakabase sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan.


Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, April 7 nang makaranas ng hirap sa paghinga si Magbanua kaya dinala ito sa Norzagaray Municipal Hospital.

Dito ay pinayuhan si Magbanua ng doctor na sumailalim sa 14 days quarantine matapos ma-diagnose na mayroong acute bronchitis.

Pero nitong April 8 dakong alas-3:45 nang ideklarang dead on arrival si Magbanua nang dalhin muli sa ospital dahil sa hirap sa paghinga.

Sabi ni Zagala, nakuhaan na si Magbanua ng swab specimen na dinala na sa Research Institute of Tropical Medicine para madetermina kung positibo o negatibo ito sa COVID-19.

Bagama’t walang resulta ang COVID-19 test nito, nagsagawa na ang mga otoridad ng contact tracing sa mga nakasalamuha ni Magbanua bilang precautionary measure.




Facebook Comments