Isang ASG member arestado ng Redskin battalion kahapon

Isang kasapi umano ng Abu Sayyaf Group ang naaresto kahapon ng tanghali ng mga operatiba ng 6th Infantry Battalion Redskin sa barangay Maganding Lanao Del Sur. Kinilala ang nahuli nasi Commander Latif Rajamuda Cototan na residente ng Barangay Payong sa Sultan Naga Dimaporo municipality sa Lanao Del Norte, siyay may outstanding Warrant of Arrest dahil sa kasong Kidnapping sa isang banyagang Pari na si father Giancarlo Bossi, isang Italian priest ng Zamboanga city at father Giuseppe Pierantoni. Sinasabing miyembro din daw ng 105TH Base Command ang nahuling suspect…Siyay nasa custodiya pa ngayon ng 6TH IB na nakabase sa Malabang Lanao del sur at nakatakdang e turn-over sa PNP.

Facebook Comments