PINADALI | Passport appointment bukas na muli, ngayong araw

Manila, Philippines – Magbubukas ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng passport online appointment slots para sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre sa mga consular offices nito sa bansa.

Pero paglilinaw ng DFA, hindi available ang mga online slots sa DFA ASEANA sa Parañaque dahil isinasaayos pa ang pilot testing ng ‘E-payment’.

Sa pamamagitan ng ‘E-payment’ sa mababawasan ang bilang ng mga slot na nasasayang.


Ayon sa DFA, magbabayad na muna ang mga applicants bago kumpirmahin ang kanyang appointment.

Nanawagan ang DFA ng pang-unawa at kooperasyon sa publiko habang pinapaganda ang serbisyo sa pagpoproseso ng pasaporte.

Facebook Comments