Isang Babae, Arestado matapos Magnakaw!

43

Santiago City- Arestado ang isang babae matapos pagnakawan ang isang establishimento sa brgy. Centro East, Santiago City kahapon, Hulyo 8, 2018.


Kinilala ang nadakip na si Hilda Valches, 43 anyos, balo, at residente naman ng barangay Plaridel Santiago City.

Sa impormasyong ipinarating ni Police Chief Inspector Rolando Gatan sa RMN Cauayan, nadakip si Valches matapos nitong pagnakawan at tangkaing tangayin ang mga cosmetic products sa isang establishimento sa naturang lungsod.

Samantala, tinangka pa umanong umalis ng suspek ng hindi nito binabayaran ang mga produktong kinuha nito na nakalagay sa kanyang bag ngunit agad naman itong napansin ng naka duty na guwardya na naging dahilan ng kanyang pagkahuli.

Agad namang dinala si Valches sa himpilan ng PNP Santiago Station 1 para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments