Isang babae, nakuha ang record sa pagpapahinto ng blade ng electric fan gamit ang dila

Italy – Isang circus entertainer ang nakakuha ng bagong world record na
napanood sa isang game show sa Italy.

Si Zoe Ellis na mas kilala bilang Zoe L’amore, isang Australian daredevil,
ay na-break ang sariling record sa pagpapahinto ng mga blades ng electric
fan gamit ang “dila” sa loob ng isang minuto.

Nabatid na noong nakaraang taon ay dalawampung beses na napahinto ni Ellis
ang mga blades ng electric fan na nasa highest speed kung saan sa nasabing
game show ay nakayan ng kaniyang dila na pahintuin ito ng tatlumpu’t
dalawang beses.


Bukod sa nasabing titulo, hawak din niya ang record sa “Most Mouse Traps
Released on the Tongue in One Minute (female)” habang ang asawa naman
niyang si Chayne Hultgren a.k.a. “The Space Cowboy,” ay may record na “Most
Blow Torches Extinguished with the Tongue in One Minute,” “Most Swords
Swallowed Underwater” at “Heaviest Weight Pulled By The Eye Sockets.”

Facebook Comments