Kiefer Ravena, tutok sa pag-eensayo para sa ASEAN Basketball League sa kabila na naging kontrobersyal

146

Manila, Philippines – Nakatutok pa rin sa pag-eensayo si Ateneo De Manila
University at UAAP two time Most Valuable Player Kiefer Ravena para sa
ASEAN Basketball League.

Ayon kay Keifer, magandang oportunidad sa kanya ang maging parte ng koponan
ng alab para na rin sa kanyang basketball career.

Dagdag pa ng manlalaro, stepping stone din ito para sa kanyang pangarap na
makalaro sa NBA D-League.

Samantala, hindi na pinapansin ni Kiefer ang mga bashers sa lumabas na
kontrobesyal niyang larawan sa halip ay focus na lang siya sa kanyang
karera bilang basketball player.

Facebook Comments