Isang babae patay sa sunog sa Pasay

Pasay City – Patay ang isang babae matapos ma-trap sa loob ng nasusunog na bahay sa 3rd Street Barangay 183 Zone 20 Villamor, Pasay City.

Napag-alaman na may problema sa pag-iisip ang biktima na si Julie Barrios base na rin sa kanyang kapatid na si Joseph Barrios.

Natagpuan ang katawan ni Julie sa banyo ng nasabing bahay at sunog ang katawan.


Ayon kay Joseph, nahirapan siyang masagip ang kapatid dahil sa mabilis ang pagkalat ng apoy pati sa mga katabi pang bahay.

Tatlong bahay ang natupok sa sunog habang limang pamilya ang nawalan ng tirahan.

Aabot sa tatlong daang libong piso ang pinsala sa ari-arian bukod pa sa dalawang sasakyan na natupok na umabot sa 2nd alarm at tuluyang naapula alas sais beinte dos ng umaga.

Isa sa tinitingnang anggulo sa pinagmulan ng sunog ay pumalyang suplay ng kuryente ngunit patuloy pa iimbestigahan ng Pasay BFP sa pangunguna ni fire marshal Paul Pili ng Pasay BFP.

 

Facebook Comments