Isang babae sa Italy, nagpakasal sa sarili dahil hindi mahintay si Mr. Right

Trending ngayon ang isang 40 years old na babaeng fitness instructor na nagpakasal sa kanyang sarili dahil hindi na nito mahintay ang lalaking magmamahal sa kanya.
Ayon kay Laura Mesi ng Italy, inip na inip na siya kahihintay kay mr. Right sa loob ng 20 taon kung kaya’t naisipian niyang magpakasal na kahit wala pa ito.
Inimbitahan ni Laura ang pitumpu’t pito nitong kaibigan sa kanyang kasal. Tulad ng pangkaraniwang kasal, nagsuot din siya ng white gown at mayroon din siyang mga bridesmaid at ang wedding ring na gawa pa sa diyamante.
Gumastos si Laura ng 8,700 pound o P600,000 para sa kanyang kasal. Nakatakda rin umano siyang magtungo sa Egypt para sa kanyang sariling honeymoon.

Facebook Comments