Isang babae sa United Kingdom, nalalasahan ang mga salita

Manila, Philippines – Nagagawang “malasahan” ng isang babae sa United Kingdom ang mga salita.

Ayon sa estudyanteng si Kathryn Jackson, nakakalasa siya ng carrots tuwing naririnig niya ang pangalang “rory” habang lasang palaman aniya ang salitang “impossible”.

Paliwanag ni Kathryn, na-diagnose na mayroon siyang lexical-gustatory synaesthesia kung saan pumapasok sa isip ng isang tao ang isang kulay kapag nakakabasa o nakakarinig ng isang partikular na kataga o bilang.


Ang iba pang mga salita na nalalasahan ni kathryn ay ang marshmallow, apples at custard.

Lasang lollipop naman aniya kapag naririnig niya ang pangalang “lola” habang lasang jelly beans ang pangalang “Ella.”

Madalas aniya siyang nawawala ng pokus dahil bigla-bigla na lang niyang malalasahan ang mga pinag-uusapan ng mga tao.

Ang kondisyon ni Kathryn ay nararanasan lamang ng 0.2% ng kabuuang populasyon sa buong mundo.
DZXL558

Facebook Comments