Police Regional Office 6, magpapadala ng isang kumpaniyang pulis sa Marawi City bilang augmentation force

Iloilo, Philippines – Magpapadala ng isang kumpaniyang pulis mula sa Regional Public Safety Battalion o RPSB ang police regional office 6 sa Marawi City kung iuutos ng national headquarters ng Philippine National Police.

Sinabi ni PRO-6 Spokesman Police Supt. Gilbert Gorero, nakahanda na ang isang kumpaniya ng mga pulis mula sa RPSB para sa deployment.

Inihayag din ni Gorero na augmentation lamang ang role ng mga pulis mula sa PRO-6 kung talagang ipapadala sa Marawi City at tutulong sa pag-secure sa mga mamamayan.


Sa ngayon, wala pang direktiba mula sa national headquarters ng PNP kung kailan ipapadala ang augmentation mula sa PRO-6.
DZXL558, *Sonny Punay*

Facebook Comments