Isang babae, sugatan nang pagkamanalang kabit sa Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang isang babae matapos itong kuyugin ng apat na katao sa Sta.Cruz,  Maynila.
 
Nagbabantay lang noon ng kaniyang paninda ang biktimang itinago sa pangalang Gina nang sugurin ng isang lalaki at tatlong babae.
 
Dito biglang sinipa ang mga paninda ni Gina at pinagsasampal siya ng isang sa mga babae.
 
Hindi naman nagawang maawat ng mga tao sa lugar ang apat na suspek dahil maging sila ay sinasaktan ng mga ito.
 
Ayon kay Macario Molinis, tanod ng brgy 303, napagkamalan ng apat na suspek na mag-iina pala na si Gina ang kabit ng kanilang padre de pamilya.
 
Matapos maliwanagan, hindi na itinuloy ng biktima ang demanda at tinanggap na lang ang P15,000 areglo ng mag-iina.
 

Facebook Comments