Man hunt operation laban sa isang pulis na namaril sa Quezon City, ikinasa

Manila, Philippines – Ikinasa na ng Quezon City Police District ang man hunt operation laban sa kanilang kabaro na mamaril sa Brgy. Sauyo ng lungsod.
 
Kinilala ang suspek na si PO1 Wealyn Ojastro na nakatalaga sa Novaliches police station.
 
Ayon sa biktimang si Mark Kevin Tumbaga na nagpapagaling pa sa ospital, natutulog sila noon ng kaniyang asawa noong Lunes ng madaling araw ng makarinig siya ng kaluskos.
 
Sinubukan aniya nilang lumabas ng kanilang bahay para pumuntang ospital pero sinira ng suspek ang kanilang pintuan at binaril siya.
 
Naniniwala aniya si Tumbaga na selos ang motibo ng suspek dahil dati itong nakarelasyon ng kaniyang misis.
 
Umapela naman ang mga kasamahang pulis ni Ojastro na sumuko na ito habang desidido namang magsampa ng kaso ang mag-asawa laban sa suspek.


Facebook Comments