Manila, Philippines – Lumantadang isang babaeng negosyante sa Davao City at isiniwalat na inalok siya ngkampo ni Senador Antonio Trillanes IV na tumestigo laban kay Pangulong RodrigoDuterte.
Ayon kay GuillerminaArcillas, pinipilit siya ni Trillanes at ng abogado ng self-confess hitman nasi Edgar Matobato na si Atty. Jude Sabio na pirmahan niya ang isang sinumpaangsalaysay laban sa pangulo.
Kinukumbinsi rin aniyasiya ng isang tauhan ni Trillanes na si alyas Junnel at si Sabio na siraan attumestigo laban kay Duterte.
Aniya, P500,000 angipinangako sa kaniyang paunang bayad sa pagtestigo, at dadagdagan ng P500,000kapag nakasuhan si Duterte sa International Court of Justice.
Sinabi pa ni Arcillas,si Arthur Lascañas at si Edgar Matobato ang makakasama niya sa pagtestigo labansa pangulo.
Sinasabing laman ngpinapipirmahan sa kaniyang affidavit ang pagdawit kay Duterte sa iligal nadroga at extra-judicial killing.
Gayunman, hindinaipakita ni Arcillas ang affidavit pero ipinakita nito sa media ang kanilangmga palitan ng text messages.
Isang babaeng negosyante sa Davao City, inalok ng kampo na tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte
Facebook Comments