Isang babaeng wanted sa kasong pagnanakaw, arestado sa Maynila

Hindi na nakapalag pa ang isang babae na tinaguriang number 13 most wanted person ng maaresto ito ng Sta. Cruz Police Station.

Nakilala ang nadakip na si Emma Nagor, 48-anyos at residente ng Oroquieta St., Sta.Cruz, Manila.

Si Nagor ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Metropolitan Trial Court, Branch 26 dahil sa kasong pagnanakaw kung saan ilan na rin ang nabiktima nito.


Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na pagala-gala si Nagor sa kanilang lugar kaya’t nagkasa ng operasyon para masakote ito.

Nakorner ng mga pulis si Nagor habang naglalakad sa kahabaan ng Quezon Boulevard, Sta.Cruz, Manila kung saan kusa na itong sumama na ngayo’y nakakulong na sa Police Station-3.

Facebook Comments