Isang bagong high value individual na nagbebenta ng iligal na droga, timbog sa Pasig City

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Pasig City Police Station ang isang bagong tinaguriang high value individual na nagbebenta ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy bust operation sa Esguerra Street, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Kokey Kasim, 18 anyos at residente ng MCHAI Compound Esguerra St., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Si Kasim ay inaresto makaraang magpanggap na bibili ng shabu ang isang pulis Pasig at nang iaabot na ang mark money sa suspek ay agad na inaresto kung saan narekober sa kanya ang 65 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱444,000, ₱500 buy bust money, ₱30,000 at isang paketeng sigarilyo.


Sinampahan na ang suspek ng kasong may kinalaman sa iligal na droga at nakapiit na sa Pasig City Police Station.

Facebook Comments