Isang holdaper, arestado sa Marikina City

Hindi na nakapalag pa ang isang holdaper makaraang arestuhin ng mga operatiba ng Marikina City Police Station makaraan itong mangholdap sa Sampaguita St., Brgy Malanday, Marikina City.

Kinilala ang suspek na si Jaymark Ruiz, 26 anyos habang ang biktima ay nakilalang si Richard Perales, 33 anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Marikina City Police Station habang naglalakad ang biktima sa Sampaguita Street, Barangay Malanday Marikina City ay agad itong nilapitan ng suspek at tinutukan ng patalim pagkatapos tinangay ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng ₱10,000 at mabilis na tumakas nag suspek.


Agad humingi ng tulong sa Barangay Hall ng Malanday at sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad ay naaresto ang naturang holdaper at nabawi ang kinuha nitong cellphone.

Facebook Comments