Isang Bahagi ng Mt.Pulag, Nasunog!

Baguio City, Philippines – “Kabundukan, Pangalagaan.”

Likas sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa mga adventure activites ngunit kaakibat nito ang pagiging responsable sa ating Inang Kalikasan.

Enero a-20 taong kasalukuyan dakong alas tres ng hapon ng magsimula ang apoy sa Saddle Camp, Mt. Pulag National Park, Eddet, Kabayan Benguet. Na kung saan umabot ito sa 1st Alarm. Dakong alas 9:15 ng gabi araw ding iyon ng maapula ang apoy.


Higit kumulang 1.5 hectares ng damuhan ang nasunog sa nasabing kabundukan. Hinihinalang portable burner with butane canister ang naging sanhi ng nasabing insidente.

Fire Ground Commander: FO Billy Jack Palaci

Facebook Comments