Kaso ng pagpatay kay hazing victim Atio Castillo, dedesisyunan na ng DOJ

Manila, Philippines – Submitted for resolution” na sa Department of Justice (DOJ) ang kaso ng pagpatay kay hazing victim Horacio “Atio” Castillo III.

Kasunod ito ng pagtatapos ng clarificatory hearing sa DOJ.

Sa huling pagdinig, inusisa ng DOJ panel ang proseso ng recruitment sa Aegis Juris.


Binusisi rin ang mga detalye nang sumailalim sa initiation rites si Atio noong September 17, 2017.

Kabilang sa mga kinasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law o Republic Act 8049, murder at obstruction of justice ang 37 myembro ng Aegis Juris kabilang si University of the Sto. Tomas Faculty.

Facebook Comments