Natimbog ang mga suspek sa paglabag ng Republic Act 9208 o “Anti Trafficking in Persons Act of 2003” matapos matiklo ang kanilang ilegal na gawain ng isang operatiba na nagpanggap na kostumer.
Batay sa ulat ng PNP Bayombong, ginawa umanong “sex den” ang isang bahay sa kung saan dumadayo ang mga parokyanong kalimitang mga residente rin ng nabanggit na lokalidad.
Kinilala ang mga suspek na sina Paul Butal Jr., 47 taong gulang, drayber, residente ng Osmeña, Solano, Nueva Vizcaya; Jualita Morales, 40 taong gulang, negosyante, residente ng Dita, Sta. Rosa, Laguna; at Ashley Santos, 20 taong gulang, residente naman ng Tangos South, Navotas City.
Na-rescue ng mga otoridad ang tatlong biktima kung saan dalawa sa mga ito ay mula sa Aparri, Cagayan habang ang isa naman ay residente ng Santiago City.
Kaugnay nito, nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong One Thousand Peso bill na marked money; dalawang piraso ng genuine One Thousand Peso bill na pinaniniwalaang proceeds mula sa kanilang ilegal na transaksyon; isang record book; at puting Toyota Hi-Ace Van.