ISANG BAHAY NA SINUNOG SA SAN JACINTO, PANGASINAN, SAPUL SA CCTV

Sapul sa CCTV ang nangyaring sunog na tumupok sa isang bahay sa San Jacinto, Pangasinan.

Batay sa paunang imbestigasyon, nakita ng kapatid ng biktima na nasusunog ang bahay ng kanyang kapatid dahilan upang agad ipaalam sa awtoridad.

Mabilis na sumiklab ang apoy sa bahay na gawa sa magagaang materyales na sinubukan naman apulahin ng mga kapitbahay ng biktima.

Sa CCTV footage, nakita na isang lalaking menor de edad lamang ang pumunta sa nasabing bahay bago mangyari ang sunog.

Ipinaalam naman agad sa kamag-anak ng lalaki ang insidente kung saan inamin din nito ang kagagawan sa harap ng mga opisyal ng barangay.

Wala namang naitalang nasugatan sa insidente sa sunog dahil bakante ito nang aksidenteng masilaban.

Tinatayang aabot sa ₱15,000.00 ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

Samantala, ang menor de edad na suspek ay dinala sa Women and Children Protection Desk (WCPD) para sa tamang disposisyon at karampatang aksyon ng mga awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments