Isang bahay sa Makati City na pugad umano ng iligal na droga, sinalakay ng mga otoridad

73

Timbog ang apat na lalaking tulak umano ng iligal na droga sa Makati City matapos salakayin ng mga pulis ang isang bahay sa 303 Blk. 7, Brgy. West Rembo, pasado ala-1:45 ng hapon kahapon.


Nakilala ang mga suspek na sina Darwins Saballeque Agustin, alyas “Dhars”, 29-anyos; Michael Omega, alyas “Kambal”, 19-anyos; Jesse Echeverrie Figueroa, 44-anyos; at Marlou Argarin Cezar, 43- anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang apat na gramo ng umano’y shabu na may katumbas na halagang ₱27,200 at 14.4 grams na marijuana na nagkakahalaga ₱1,728.

Nakuha rin sa bahay ng mga suspek ang iba’t ibang klase ng drug paraphernalia, cellphone at ang ₱500 na ginamit bilang buy-bust money.

Nakakulong na ang mga suspek sa Makati City Philippine National Police (PNP) custodial facility habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila kaugnay sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments