Pagsasalita ng tagalog ni Sandara Park, trending sa Twitter

Dalawang araw nang trending sa Twitter world si Sandara Park matapos itong mag-tagalog.

Sa episode ng entertainment talk show na Video Star sa South Korea kung saan isa si Sandara sa mga host, nagkaroon ito ng acting challenge kasama ang aktres na si Choi Soo-Rin.

Gumanap si Dara bilang daughter-in-law na hindi gusto ng kanyang mother-in-law.


Sa nasabing aktingan, nagkaroon ng sagutan ang mga ito kung saan hindi na kinaya ni Dara ang eksena at bigla na lang itong nag-tagalog.

Ikinagulat at ikinatuwa ng mga manonood, maging ng fans nito ang pananatiling pusong Pinoy ni Sandara.

Facebook Comments